SIGURADONG naranasan na ng mga maliliit na negosyante ang ma-hassle sa pag-apply ng loan. Nandyan ang mahabang proseso at napakaraming requirements, yun pala nama’y maliit na loan amount lang ang mahihiram. Kaya tuloy ang planong mapalago ang business, hindi nangyari.
Sa BDO Network Bank (BDONB), mas pinadali ang
proseso at simple lang ang requirements sa pag-aapply ng loan. At higit sa
lahat, siguradong mabibili ang planong additional inventory/equipment para
makapag-expand ng negosyo dahil hanggang P1 milyon ang maaring maipahiram.
Sa pamamagitan ng BDONB Kabuhayan Loan,
pwedeng madagdagan ang puhunan ng mga maliliit na negosyante o MSMEs upang
mapalaki pa ang kanilang business. Ito ang naging karanasan ni Josephine Saig,
isang mananahi ng mga school uniform at sports jersey.
Dahil sa BDONB Kabuhayan Loan, nakabili si
Josephine ng sapat na materyales para mag-shift ng negosyo—mula sa paggawa ng
mga uniporme at jersey, gumagawa na siya ngayon ng mga reusable at washable
face masks. Hanggang ngayon, masigla at patuloy pa rin ang kanyang negosyo.
“Mabuti na lang po may bumisita na taga-BDONB
sa shop. Sa kanya ko nalaman ang tungkol sa Kabuhayan Loan. Mabilis lang po
magpa-approve. Wala pong collateral at madali lang ang requirements. Pwedeng
hulugan hanggang 24 months,” sabi niya.
Available ang Kabuhayan Loan sa mga MSMEs na
tumagal na ng 3 taon ang negosyo at kumikita ng at least P15,000 na
weekly sales. Hindi na rin kailangan ng collateral sa pag-aapply. Pwedeng
makapag-loan mula P30,000 hanggang P1,000,000 na may installment term na 12 to
24 months. Meron din itong Credit Life Insurance kung saan protektado ang
pamilya ng borrower mula sa financial burden.
Sa
panahon ng pandemya, napatunayan
na ang mga MSMEs ang nagbibigay ng kabuhayan sa mga komunidad. Sa kanila
nakadepende ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya at ang lahat ay umaasa
sa MSMEs para sa mga essential needs tulad ng pagkain. Bukod dito, ang mga MSMEs
ang nagbibigay ng trabaho sa mas nakararaming Pilipino.
“Ang BDONB ay nariyan sa inyong bayan at
handang suportahan ang mga MSMEs
sa pamamagitan ng
Kabuhayan Loan. Libo-libong mga MSMEs na ang nakinabang at lumago dahil dito,
lalo na noong matindi ang pandemya at nagkulang ang cash flow at puhunan ng mga MSMEs,” ani Karen Cua,
senior vice president for MSME Loans ng BDONB.
Para sa mga gustong mag-avail ng Kabuhayan
Loan, mag-send lang ng private message sa BDONB PH Facebook Page o kaya ay
magpunta sa pinakamalapit na BDONB branch sa inyong Lugar. Pwede ring mag-apply online. I-click
lang ang link https://www.bdonetworkbank.com.ph/kabuhayan-loan.

